
Hindi man dadalhin ng Hollywood singer na si Taylor Swift ang kanyang Eras Tour sa Pilipinas, napasaya pa rin ng impersonator niyang si Mac Coronel ang Filipino swifties dahil sa mala-Eras Tour na concert nito sa isang mall sa Pasay City.
Kumpletong-kumpleto ang getup ng mga Filipino swifties na akala mo ay dumalo sa totoong concert ni Taylor.
Dahil napasaya niya ang kapwa niya Swifties, masaya si Mac na aminadong fan ni Taylor simula 2009.
Aniya, "Since fan ako ni Taylor noong 2009, so parang, trinay ko lang naman kung gagana 'yung pag-i-impersonate ko kay Taylor kahit hindi ko naman totally kamukha, aminado naman ako doon."
"Pero 'pag sa looks at galaw-galaw niya, 'yun. Doon nag-start 'yun kaya nag-boom."
Hindi man siya ang totoong Taylor Swift, satisfied pa rin ang Filipino Swifties sa naging takbo ng programa dahil kahit papaano ay nakita nila ang kanilang idolo.
Magkakaroon ng anim na concert si Taylor sa Singapore sa March 2024.
LIST: Taylor Swift's famous ex-boyfriends