
Ibang level na talaga ang kasikatan nina Boobay at Tekla dahil pinapadalhan na sila ng regalo ng kanilang fans at viewers. Pero bakit kaya mixed emotions ang reaction ng ating fun-tastic duo nang gawin nila ang unboxing sa October 2 episode ng The Boobay and Tekla Show?
Isa-isang binuksan nina Boobay at Tekla ang mga ipinadala sa kanila. Kung ang iba nilang natanggap tulad ng headphones at chicharon ay nagpasaya sa kanila, may ilan silang natanggap na nagpataas ng kanilang kilay.
Kasing bongga nga ba ng kahon ang laman nitong regalo? Bakit aliw na aliw sina Boobay at Tekla sa pinadalang tawas sa kanila? Ano rin ang kanilang naalala nang makatanggap sila ng underwear?
Panoorin:
Tuloy-tuloy dapat ang good vibes! Tutok na sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page tuwing Martes at Huwebes ng 5 P.M. para non-stop ang good vibes!