
Best psychics in the Philippines ang peg nina Boobay at Tekla nang subukan nilang maging manghuhula sa Quiapo para sa September 20 episode ng The Boobay and Tekla Show.
Muling bumalik sa Quiapo ang fun-tastic duo para hulaan ang magiging kapalaran ng mga Kapuso doon. At talaga namang pinilahan sina Boobay at Tekla habang binabasa ang bolang kristal at mga baraha.
Ano kaya ang mabibigay nilang prediction tungkol sa pagpapayaman, paghahanap ng love life at pagkakaroon ng anak?
Panoorin at alamin:
Laugh trip ulit ang netizens dahil sa nakakalokang fortune-telling na ginawa nina Boobay at Tekla.
Dito, sigurado ang good vibes! Kaya naman ugaliing tumutok sa The Boobay and Tekla Show sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page tuwing Martes at Huwebes ng 5 P.M.