
Isang nakakikilig at nakaiintriga na episode ang handog ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (October 24) na tiyak na magbibigay ng saya sa weekend night n'yo!
Tatlong young Kapuso actresses ang susubukan na makuha ang puso ng isang “Mystery Hunk” sa nakatutuwang dating game na “Pusuan Na 'Yan!”
Ito ay sina Crystal Paras, Pamela Prinster, at Ella Cristofani na sasabak sa iba't ibang challenges para ma-impress ang “hunky searcher.”
Photo courtesy: crystalparas (IG), pamprinster (IG), and ella_cristofani (IG)
Handa na ba kayo malaman kung sino nga ba itong “Mystery Hunk?" Huwag palampasin ang big reveal na ito ngayong Sunday!
Masusubukan din ang talento sa komedya ng tatlong StarStruck season 7 alumni dahil sasagot sila ng mga nakakakilig at naughty na tanong.
Bukod dito, makakasama rin nina Crystal, Ella, at Pamela sina TBATS host Boobay, Tekla, at Mema Squad na binubuo nina Pepita Curtis, Kitkat, Ian Red, at Buboy Villar sa dalawang rounds ng comedy segment na “Don't English Me.”
Tuloy-tuloy lang ang saya at laugh trip kahit may krisis! Abangan ang bagong episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:30 p.m. sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, alamin kung bakit sina Boobay at Tekla ang nangunguna sa larangan ng komedya sa gallery na ito: