GMA Logo Crystal Paras
What's on TV

TBATS: Crystal Paras, pinusuan ng isang 'Mystery Hunk'?

By Dianne Mariano
Published October 26, 2021 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Crystal Paras


Sa naganap na 'Pusuan Na 'Yan' segment ng 'TBATS,' napiling pusuan ng 'Mystery Hunk' si Kapuso actress Crystal Paras!

Ang Kapuso actress na si Crystal Paras ang napusuan ng ating “Mystery Hunk” noong nakaraang Linggo sa bagong episode ng The Boobay and Tekla Show.

Pero sino nga ba itong “Mystery Hunk?” Ito ay walang iba kundi ang Mema Squad member na si Buboy Villar!

Nitong October 24, sumabak ang tatlong sexy Kapuso stars na sina Ella Cristofani, Pamela Prinster, at Crystal Paras sa nakatutuwang segment na “Pusuan na 'Yan” kung saan nabigyan sila ng iba't ibang pangalan gaya ng “Maisy Mapagbigay” (Ella), “Precious Palaban” (Pamela), at “Hidilyn Halinghing” (Crystal).

Ella Cristofani Pamela Prinster and Crystal Paras

Photo courtesy: YouLOL (YouTube)

Sinagot dito ng tatlong Kapuso actresses ang mga nakakakilig at naughty questions upang ma-impress ang "hunky searcher” na si Buboy.

Ayon kay Crystal, ang ihahain raw niya na pagkain para kay Buboy ay pares at ibinahagi ang isang nakakatawa ngunit witty na dahilan.

“Ang ihahain ko para sa'yo Buboy ay pares para pares na pares talaga tayo,” ani ng aktres.

Kung magiging isang animal naman daw si Crystal, nais niya maging isang malambing na puppy at pinarinig niya ang kanyang puppy sound na ikinatuwa ng “Mystery Hunk.”

Sa huli, napili ni Buboy si Hidilyn Halinghing (Crystal Paras) at ibinahagi ang kanyang dahilan, “Mahilig akong makiramdam sa bawat salita, kung paano niya ako i-treat. Ngayon nararamdaman ko itong babae na 'to, bawat bitaw ng salita niya ay talagang ninanamnam ko.

“At saka pasok 'yung mga sinasabi niya sa akin, kumbaga gustong gusto ko 'yun. Relate na relate ako sa mga sinasabi niya. Ang pupusuan ko ay si Hidilyn.”

Matapos ito, ipinamalas naman nina Ella, Pamela, at Crystal ang kanilang galing sa englishan nang sumabak sa larong “Don't English Me” kasama sina Boobay, Tekla, at Mema Squad na sina Kitkat, Pepita Curtis, Ian Red, at Buboy Villar.

Sa segment na ito, nagwagi ang Team Tekla na binubuo nina Tekla, Pepita Curtis, Ian Red, at Buboy Villar dahil sila'y mayroong five points at natalo naman ang Team Boobay na sina Boobay, Ella, Pamela, Crystal, at Kitkat dahil apat na mga salita lamang ang nasagot nila ng tama.

Ang saya, 'di ba? Tuloy-tuloy lamang ang laugh trip at saya kahit mayroong krisis! Tutukan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:30 p.m. sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, alamin kung bakit sina TBATS hosts Boobay at Tekla ang nangunguna sa larangan ng komedya sa gallery na ito: