
Ipinakita ng aktres na si Jo Berry ang kaniyang fun side sa recent episode ng The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo.
Sumabak ang former Little Princess star sa larong “Jo-jowain o To-tropahin,” kung saan iba't ibang larawan ng Sparkle actors ang ipinakita sa kaniya habang nakikipagkulitan kina TBATS hosts Boobay at Tekla, at Mema Squad, na sina Buboy Villar, Jennie Gabriel, John Vic De Guzman, Pepita Curtis, at Ian Red.
Kasabay ng mga larawan ay ang mga kwelang katanungan para sa aktres tungkol sa Kapuso actors. Sa pinakahuling bahagi ng segment, ipinakita sa screen ang larawan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.
PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show
“Naku, papakasalan 'yan siyempre. Sobrang bait naman niyan, oh kahit naman din sa inyo…. Jo-jowain 'yan siyempre,” sagot ng aktres.
Noong 2019, matatandaan na nagkasama sina Jo at Alden sa GMA drama series na The Gift. Ibinahagi naman ng aktres ang kaniyang karanasan nang makatrabaho si Alden sa nasabing serye.
Aniya, “Very professional siya kapag kailangan na naming mag-drama or may mga eksena na kami. Pero kapag off-cam naman, sobrang mapagkakatiwalaan din tapos 'yung bond namin iba e. Hanggang ngayon naman nadala namin.”
Matapos ito, ipinamalas naman ni Jo ang kaniyang galing sa pag-arte kasama si Buboy nang gawin nila ang isang drama scene sa segment na “Ang Arte Mo.”
PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show
Bago natapos ang masayang gabi, tatlong lucky viewers ang tampok sa segment na “Pasikatin Natin 'To,” isang countdown ng funniest homemade videos na isinumite ng publiko.
Balikan ang nakaraang episode ng TBATS sa video na ito.
Para sa nonstop tawanan at good vibes, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Mapapanood din ang programa sa official Facebook page ng TBATS at YouTube channel ng GMA Network at YouLOL.
SAMANTALA, ALAMIN ANG MOST NOTABLE TV ROLES NI JO BERRY DITO: