
Siguradong mapupuno ng kulitan at tawanan ang Sunday night ng mga Kapuso kasama ang comedy duo na sina Boobay at Tekla!
Simula March 1, mapapanood na tuwing Linggo ang all-new at mas nakakatawang TBATS On The Go! Mapupuno ng tawanan ang Sunday nights ng ating mga Kapuso sa mga kwelang palaro, paandar at panggugulo ng ating comedy duo, Boobay at Tekla!
Sila na mismo ang susugod sa iba't ibang lugar para maghatid ng more tawa at more saya!
But wait, there's more! Kaabang-abang din ang mga celebrities na makiki-riot sa kanila! Kaya huwag nang magpa-iwan sa saya, sakay na sa trip nina Boobay at Tekla!