
Ipinakita ni Ricci Rivero ng UP Fighting Maroons na hindi lang siya game sa paglalaro ng basketball kundi pati na rin sa kalokohan kasama nina Boobay at Tekla nang mag-guest siya sa December 20 episode ng The Boobay and Tekla Show.
Professional ang dating ni Ricci on and off the court dahil kayang-kaya niyang makipagsabayan sa kakulitan nina Boobay at Tekla.
Sa unang part ng episode, si Ricci ang nag-host ng TBATS quiz tungkol sa kaniya. Dito ay hinulaan ng fun-tastic duo kung ano ang size ng kanyang basketball shoes, kung naka-ilan na siyang girlfriend, at kung ano ang gusto niyang suot kapag natutulog.
Matapos nito, sumabak sa isang acting challenge si Ricci kung saan ka-eksena niya si Tekla bilang kaniyang yaya at si Boobay bilang isang albularyo.
Panoorin:
Hindi nauubos ang good vibes kapag kasama sina Boobay at Tekla. Kaya naman, tutok lang sa The Boobay and Tekla Show sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel (https://www.youtube.com/user/GMANETWORK), at GMA Network Facebook page (www.facebook.com/GMANetwork) tuwing Huwebes, 5 P.M.