GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Team Balisong at Team Leaf Art, magpapakitang gilas sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 17, 2026 12:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Pokemon Champions' launches in mobile, Nintendo Switch
89 ROTC cadets hospitalized in Iloilo due to suspected food poisoning
Why 'Toy Story 5' may be Pixar's most timely film yet

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Abangan ang tapatan ng Team Balisong at Team Leaf Art ngayong June 17 sa 'Family Feud!'

Ipakikita sa Family Feud ang kahanga-hangang talento ng mga Pinoy ngayong Miyerkules.

Bago pa man magsimula ang kanilang Family Feud showdown, ipapakita muna sa mga manonood ang isang nakakabilib na balisong exhibition mula sa Team Balisong.

Maglalaro sa Team Balisong ang Laraw Kali Pamuok (LKP), isang Filipino Martial Arts system na itinatag ni Lakan Ronnie Royce Base. Kasama niya sa laban sina Ka Ji Delos Santos, Ron “Zy” Laureta, at Lakambini Luz Laureta. Sama-sama nilang ipinapakita ang pag-preserba ng Filipino warrior culture.

Kilala ang LKP sa pagsusulong ng traditional Filipino combat techniques at weapon-based self-defense. Kamakailan lang, naging usap-usapan sila matapos sanayin ang Kapuso stars na sina Bianca Umali at Ruru Madrid sa tamang paggamit ng balisong para sa kanilang mga karakter sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Samantala, ibang klase namang talento ang ihahain ng Team Leaf Art.

Pinangungunahan ito ni Mary Mae Dacanay, isang viral leaf artist mula sa Biñan, Laguna. Hinangaan online ang kanyang mga nililikha gamit ang tunay na dahon. Ang simpleng hobby na nagsimula sa isang mahirap na yugto ng kanyang buhay ay naging matagumpay niyang negosyo at inspirasyon sa marami.

Makakasama niya ang kanyang mga college friends na sina Miguel Enriquez, Myka Enriquez, at kapwa artist na si Ryan Landicho.

Abangan ang nakakatuwang tapatan ng Team Balisong at Team Leaf Art sa fresh episode ng Family Feud ngayong June 17, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.