
Sa kauna-unahang pagkakataon ay naimbitahan ang ilan sa magigiting na uniformed men and women personnel ng Philippine Navy upang maglaro at makisaya sa trending na game show ng GMA na Family Feud. Kasama ang game master na si Dingdong Dantes, naipanalo ng Team Generals ang PhP200,000 jackpot prize ngayong Lunes, September 5.
Sa nasabing episode, nakatapat ng Team Admirals na sina LT. Jake Taguinod, Ensign Danica Piñero, 525k Florence Madulid, at UO2 Anthony Turallo ang Team Generals na mula rin sa Philippine Navy na sina 2LT. Jan Paul Manondo, 2LT. Gabby Gan, SGT. Ghe Corbita, at SGT. Jaimie Sarmiento.
Leading ang Team Admirals sa first two rounds ng game show sa score na 140 points pero pagdating sa third round, nakahabol ang Team Generals sa score na 104 points.
Pagdating sa fourth round kung saan triple ang magiging score, naibalik sa Team Admirals ang laro pero na-steal pa ito ng kalabang team nang tumama sila sa isang survey answer. Dahil dito, umabot sa 395 points ang score ng Team Generals kung kaya't sila ang naglaro sa last round o fast money round.
Sa round na ito sumalang sina 2LT. Manondo, at 2LT. Gan kung saan nakakuha sila ng 252 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.
Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Citizen's Support Your Navy Foundation Philippines Inc. bilang napiling beneficiary ng Team Generals.
Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA.
KILALANIN NAMAN ANG ILANG PINOY CELEBRITY RESERVISTS SA GALLERY NA ITO: