GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Team In-Laws at Team For Da Love, maghaharap sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published February 3, 2026 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki, patay nang tadtarin ng saksak ng nakaaway niyang mag-ama sa Rizal
Tricycle driver, passenger shot dead in GenSan
BTS's comeback performance to be livestreamed on Netflix

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Narito ang players ng Team In-Laws at Team For Da Love na maghaharap sa “More Tawa, More Saya, More Love” episode ng 'Family Feud!'

Powerhouse teams ang maglalaban sa Family Feud ngayong Martes!

Ngayong February 3, maghaharap sa "More Tawa, More Saya, More Love" episode ang Team In-Laws at Team For Da Love.

Mapapanood sa Team In-Laws ang professional model na si Joshua de Sequera at kaniyang asawa na si Judy Ann Takeuchi. Makakasama nila ang iconic model and actress at mommy ni Joshua na si Marina Benipayo at ang mommy ni Judy na si Ana Takeuchi.

Tampok naman sa Team For Da Love ang beauty queen and actress na si Winwyn Marquez at ang asawa niyang si Rain. Sasamahan pa sila ng close friend ni Winwyn, ang reigning Miss Supranational Philippines 2026 na si Katrina Llegado at ang boyfriend niyang si James Dizon.

Saksihan ang tapatan na ito sa love month special ng Family Feud. Tutukan ito sa Family Feud ngayong February 3, 5:40 p.m. sa GMA.

Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!