
Nagwagi sa Family Feud ngayong November 8 ang team ni Kathryn Bernardo.
Napanood ngayong Biyernes sa Family Feud ang tapatan sa survey hulaan ng Hello, Love, Again stars na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo.
PHOTO SOURCE: Family Feud Philippines
Kasama ni Kathryn sa Team Joy sina Direk Cathy Garcia-Sampana, Lovely Abella, at Valerie Concepcion. Nakabilang naman sa team ni Alden na Team Ethan sina Joross Gamboa, Jeff Tam, at Jameson Blake.
Sa pagtatapos ng kanilang nakakatuwang survey hulaan ngayong Biyernes ay nakapag-uwi sila Kathryn ng premyong PhP 200,000. Ang napiling charity ng Team Joy ay ang Heart Warriors Muntinlupa Chapter.
Balikan ang ilan sa mga naganap sa Family Feud guesting ng Hello, Love, Again stars dito: