
Wagi ang team ng social media stars at real-life couple na sina Denz Batocabe at Cha Rivera sa Family Feud.
Sa Thursday (May 8) episode ng Family Feud ay nagtapat ang Kuya Jake's Squad at Team Ka-Lab-Lab para sa isang masayang hulaan.
Pinangunahan ng YouTuber na si Jake Taylor at ng kanyang asawa na si Reyna Jess ang Kuya Jake's Squad na binubuo rin nina Harry Gambol at Shayne Pablo.
Sa kabilang banda naman ay ang sikat na gay and lesbian couple na sina Denz at Cha ang nanguna sa Team Ka-Lab-Lab, kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Dax Dacudao at Daddy A.
Ang Team Ka-Lab-Lab ang nakapasok sa fast money round kung saan naglaro sina Denz at Dax at nakakuha ng 209 points.
Naiuwi nila ang grand prize na Php 200,000 at makakakuha rin ng cash prize ang kanilang chosen charity na Angat Pinas.
Narito ang winning moment ng Team Ka-Lab-Lab:
Abangan ang "Winner ang Summer" episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng Php 20,000.