GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Team nina Jasmine Curtis-Smith at Royce Cabrera, makakaharap ang bandang Nior sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published April 10, 2026 4:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tone-toneladang mangga na hindi maibiyahe, nabulok kaya itinapon na lang
Letran dethrones Benilde, ends 27-year women’s volleyball title drought

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Abangan ang “Summer Tawa, Summer Saya” Friday showdown ng Team Endo at bandang Nior ngayong April 10 sa 'Family Feud.'

Kapana-panabik na banggaan ng dalawang grupo na galing sa magkaibang larangan ng sining ang matutunghayan sa Friday “Summer Tawa, Summer Saya” episode ng Family Feud.

Ngayong April 10, magpapakita ng talino at diskarte ang isang theater cast at isa sa mga pinaka-promising na alt-rock acts sa bansa.

Ang mga bumubuo sa Team Endo ay mga bida ng stage adaptation ng 2007 Cinemalaya masterpiece na Endo.

Kabilang dito ang multi-awarded film festival favorite at versatile performer na napapanood ngayon sa Stars on the Floor Season 2 na Jasmine Curtis-Smith

Kasama rin ang "engineer hunk" turned thespian, at male lead na si Royce Cabrera; ang accomplished actress, commercial model, at alternate lead, na si Rissey Reyes-Robinson; at ang talented alternate, at aktor sa film, television, at live theater na si Esteban Mara.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Magpapakita rin ng husay sa Family Feud stage ang Alt Records band na Nior. Sila ay kinilalang People's Voice for Favorite New Group sa 38th Awit Awards.

Maglalaro ang bassist na si Christian Mallari bilang captain ng kanilang team. Sasamahan naman siya ng kaniyang mga kabandang sina Brian Nucup, Jessie Ocampo, at Paul Tanchiatco

Abangan ang exciting Friday showdown na inihanda ng Family Feud ngayong April 10, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.