
Ngayong May 12, sina Sanya Lopez at Patrick Garcia, na mula sa dalawang magkaibang henerasyon sa Philippine entertainment, ang maghaharap sa Family Feud.
Pinamumunuan ni Sanya ang Team Midnight Girls (and Boys). Siya ay mapapanood bilang “Paris” sa upcoming 2026 na drama film na Midnight Girls.
Kasama niya sina Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez, na parehong dating child stars na ngayo'y kilala na sa mas mature at matitinding acting roles, pati na rin si actor-director Edwin Serrano. Bitbit ng grupo ang kuwento ng kanilang pelikula na umiikot sa buhay ng mga Pilipinong entertainers sa Nagoya, Japan.
Makakalaban nila ang Team Garcia na pinangungunahan ni Patrick. Siya ay unang minahal ng mga manonood bilang child star at teen heartthrob noong 1990s.
Kasama rin niya ang kaniyang kapatid na si Pichon Garcia, isang third-degree jiu-jitsu black belt at kilalang toy collector na mas kilala online bilang “Professor Pichon.” Kabilang din ngayong Martes ang asawa ni Pichon na si Athena Garcia at ang pinsan nilang si Coy Barretto.
Abangan ang fresh episode ng Family Feud ngayong Martes, May 12, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, The Master Cutter, at Never Say Die.