
Wednesday tapatan ng established musicians and upcoming artists ang dapat abangan sa fresh episode ng Family Feud.
Ngayong January 14, maglalaro ang mga musicians na nakilala sa bossa nova, rap, at iba pang genre sa tapatan ng Team Bossa Beats at Barq-Kada.
Ang leader ng Team Bossa Beats ay ang country's Queen of Bossa Nova na si Sitti Navarro-Ramirez. Makakasama niya ang drummer at teacher ng classical percussion sa University of Santo Tomas Conservatory of Music na si Gian Vergel; ang fingerstyle guitar wizard na si Jerome Rico; at ang bassist na si Stephen "Tep" Lachica.
Tatayo namang leader ng Barq-Kada ang anak ng late Master Rapper Francis Magalona na si Arkin Magalona. Si Arkin o "Barq" ay nag-release ng kaniyang official debut single na "Shake Dat Thang."
Makakasama naman ni Barq ang singer-songwriter from Pampanga at nakilala sa kaniyang revival ng “Paniwalaan Mo” ng '70s OPM group Blue Jeans na si Leyo; ang nakakuha ng three accolades sa 34th Awit Awards noong 2021 na si Jason Marvin; at ang multi-instrumentalist and vocalist na si Aaron Jed Baruelo.
Abangan ang exciting head-to-head tapatan ng Pinoy musicians sa Family Feud ngayong January 14, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!