
Clash ng online personalities at young stars ng Kapuso Primetime hit series ang inihanda sa Monday episode ng Family Feud!
Ngayong January 26, magpapagalingan sa Family Feud ang Team Pataba at Team Sanggang Dikit Squad.
Maglalaro sa Team Pataba ang social media star na si Euleen “Yobab” Castro. Kasama niya ang mga kaibigan at fellow content creators. Sila ay sina Kevin Montillano na kumanta ng 2021 hit song na "Magandang Dilag," ang businessman na si Marlon Santos; at ang live seller na si Vrix Laron.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Para naman sa Team Sanggang Dikit Squad maglalaro ang young Kapuso stars na sina Kim Perez, Seb Pajarillo, James Lucero, at ang newly signed Sparkle artist na si Jess Martinez.
Tutukan ang Monday showdown na ito sa Family Feud ngayong January 26, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!