GMA Logo Pepita Curtis, Thea Tolentino, Jessica Villarubin, and Ian Red
What's on TV

Team Reality Babes, nakatanggap ng harsh comment mula kay Pepita Curtis?

By Dianne Mariano
Published October 7, 2022 4:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Pepita Curtis, Thea Tolentino, Jessica Villarubin, and Ian Red


Ano kaya ang sinabi ni Pepita Curtis sa Team Reality Babes na sina Thea Tolentino, Jessica Villarubin, at Ian Red sa 'The Cash: Sexy Sunday?'

Noong nakaraang Linggo (October 2), napanood ang “The Cash: Sexy Sunday” sa TBATS, kung saan tatlong grupo ng mga trio ang naglaban para sa pagkakataon na manalo ng cash at iba pang prizes.

Unang nagpamalas ng kanilang vocal prowess ang Team Reality Babes, na binubuo nina Kapuso stars Thea Tolentino, Jessica Villarubin, at Mema Squad member Ian Red, at inawit nila ang soulful classic na “Lovin' You” ni Minnie Riperton.

Pagkatapos ng kanilang performance ay nagbigay ng komento ang ibang grupo at nakatanggap sila ng harsh comment mula kay Pepita Curtis.

Aniya, “Well, 'yung performance n'yo was a trash, nakakasuka.”

Humirit naman pabalik si Ian sa kanyang kapwa komedyante at patuloy ang kanilang tawanan at asaran.

Matapos ito, isang ballad track ang hatid ng Team Beauty and the Beasts, na sina Sparkle actress Klea Pineda, Tekla, at Pepita Curtis, at kinanta nila ang track ni George Michael na “Careless Whisper.”

Inawit naman nina Kapuso star Arra San Agustin, Boobay, at John Vic De Guzman, o ang Team Beauty and Voices, ang popular pop song na “Senorita” with a sexy take.

Nagwagi naman ang Team Beauty and Voices ngunit mayroon pang final twist dahil isa lamang ang puwedeng manalo. Upang malaman ang winner ng "The Cash: Sexy Sunday," ginamit nila ang Roleta ng Kapalaran.

Sa huli, si John Vic ang tinanghal na grand champion at nakatanggap siya ng cash bouquet.

Patuloy na subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, SILIPIN ANG HOTTEST “MAY PA-PRESSCON” EPISODES NG TBATS NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO.