
Simulan natin ang week-long Christmas special sa Family Feud sa tapatan ng blockbuster stars and world-class champions!
Ngayong December 15, maghaharap ang cast ng Metro Manila Film Festival entry na Unmarry at team ng double Olympic gold medalist na si Carlos Yulo
Maglalarong leader ng team na Unmarry si Angelica Panganiban. Ito rin ang kaniyang first-ever appearance sa Family Feud.
Kasama ni Angelica ang kaniyang co-star na si Zanjoe Marudo, ang comedy royalty na si Eugene Domingo, at ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez na magpapakita ng kanilang star-studded chemistry and fun personalities sa Family Feud stage.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Mapapanood naman sa Team Yulo ang ipinagmamalaking double Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Carlos. Makakasama sa Team Yulo ang singer, content creator, at girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose; ang pinsan ni Chloe na si Anne Cruz; at ang asawa ni Anne na si Josh Cruz. Sila ay magpapakita ng kanilang galing at pusong pangkampeon ngayong Lunes.
Tutukan ang episode na star-studded at high-energy tapatan na ito sa Family Feud ngayong December 15, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para malaman kung paano makakasali sa Guess More, Win More promo: