GMA Logo Artikulo 247
What's on TV

Teaser ng 'Artikulo 247' nina Rhian Ramos at Kris Bernal, pinag-usapan online

By Jimboy Napoles
Published February 20, 2022 3:12 PM PHT
Updated February 20, 2022 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Artikulo 247


Napanood n'yo na ba ang teaser ng upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Artikulo 247?'

Bagong mukha ng teleserye ang dapat abangan sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247 na pagbibidahan nina Rhian Ramos at Kris Bernal kasama sina Benjamin Alves at Mark Herras.

Sa inilabas na bagong teaser ng nasabing series sa Facebook, ipinakilala na ang mga karakter nina Rhian bilang si Jane at si Kris bilang si Klaire. Makikita sa video ang paghaharap ng dalawa at ang patikim sa batuhan nila ng linya.

Bukod sa pamagat, palaisipan din sa mga manonood ang katagang "Kaninong katotohanan ang dapat pakinggan?" na narinig sa trailer.

Bumuhos din ang suporta ng ilang Kapuso viewers kina Rhian at Kris na excited na sa kanilang bagong ipapakita sa nasabing series.

Ang isang netizen, masaya sa pagbabalik serye ni Kris.

Aniya, "Can't wait to watch! She's back! Kris Bernal is [fire emoji]."

"Big clap sa'yo ate Kris Bernal, teaser palang 'yan paano pa kaya 'pag napalabas na," komento naman ng isang netizen.

Napansin naman ng isang fan ang bagong karakter ni Kris.

"Pero in fairness iba ang atake ni Kris Bernal dito [ang] husay," saad ng fan.

Excited na rin ang maraming fans ni Rhian sa bago niyang serye.

"I'm sure Rhian will slay her role again! Will surely watch this," ani ng isang fan.

Tinawag naman na intense ng isa netizen ang eksena ni Rhian att Kris sa teaser.

Aniya, "Wow! Ang intense! Gonna watch this because of Rhian Ramos."

Hindi pa man nagsisimula ang serye, suportado na ng isang fan ang Team Jane ni Rhian.

"Ang magpapainit ng ulo sa ating hapon dahil sa mga mainit na eksena at batuhan ng linya. Siyempre Team Jane (Rhian)!" komento ng netizen.

Abangan ang Artikulo 247, malapit na sa GMA Afternoon Prime. Panoorin ang teaser, DITO:

Samantala, silipin naman ang behind-the-scenes photos sa lock-in taping ng Artikulo 247 sa gallery na ito: