
Hindi na talaga makapaghintay ang netizens sa world premiere ng Prima Donnas ngayong Lunes, August 19.
Sa katunayan, may mahigit one million views na ang dalawang teaser ng naturang Afternoon Prime series sa Facebook.
Prima Donnas: The future of drama is here
Prima Donnas: Tatlong buhay ang babaguhin
Pinagbibidahan ito nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo. Sila ang tatlong Donnas na sina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn.
Kasama rin sa cast sina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Elijah Alejo, at Benjie Paras.
May special participation din sa Prima Donnas ang award-winning Kapuso actress na si Glaiza de Castro.
IN PHOTOS: At the press conference of 'Prima Donnas'
Abangan ang world premiere ng 'Prima Donnas' ngayong August 19 sa GMA Afternoon Prime.