
Labis ang pasasalamat ng singer at host na si Teddy Corpuz sa GMA dahil sa tulong na ibinigay ng Kapuso metwork sa It's Showtime na patuloy na makapagbigay saya sa mga Madlang People.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa Rocksteddy frontman, labis na makabuluhan ang 16th anniversary ng noontime variety show dahil sa tulong ng Kapuso network.
"Sobrang meaningful kasi isa 'yung GMA talaga sa tumulong sa amin para makapagpatuloy na makapagpasaya 'yung Showtime. 16 years na kami so sobrang maraming-maraming salamat. Sa lahat ng Madlang People, sa mga boss namin sa GMA, maraming-maraming salamat for making this possible also kasi kung hindi dahil sa inyo, hindi magpapatuloy ang Showtime," pagbabahagi niya.
Dagdag pa ni Teddy, meaningful ang 16th anniversary ng It's Showtime dahil patuloy silang nakapagbibigay ng saya at tulong sa Madlang People, at aniya'y mas naging makabuluhan ang kanilang programa dahil sa mga mensaheng nais nilang iparating sa mga manonood.
Bukod pa dito, core memory para kay Teddy ang mga moments sa “Magpasikat," pati ang travels abroad kasama ang It's Showtime family.
Aniya, “Magpasikat moments namin, especially 'yung TKJ, Teddy, Karylle, Jugs na episode. Tapos 'yung kay Vhong, 'yung AI namin na episode na Magpasikat. 'Yung kay Vice rin, 'yung first time nanalo ni Vice Ganda sa Magpasikat. Siguro isa sa core memories ko, kapag nag-a-out of the country kaming lahat ng Showtime, ang saya ng mga out of the countries namin, pati 'yung mga bonding namin doon.”
RELATED GALLERY: 'It's Showtime' hosts transform into drag queens in 'MagPASKOsikat'
Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.