GMA Logo Teddy Corpuz as Ed Caluag
What's on TV

Teddy Corpuz, naging si Ed Caluag sa 'It's Showtime'

By Kristine Kang
Published July 26, 2024 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Barangay Ginebra piles on Rain or Shine woes, tightens grip on twice-to-beat bid
Marina Summers is grateful to have hosted MUPH 2026
Farm to Table: (May 3, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Teddy Corpuz as Ed Caluag


Hindi maitatanggi ni Teddy Corpuz ang kaniyang pagkakahawig sa paranormal expert na si Ed Caluag.

Isa na namang Funanghalian ang naganap sa noontime program na It's Showtime nitong Huwebes (July 25).

Puno ng tawanan, energy, at good vibes ang inihandog ng ating mga host, lalo na sa patok na segment na "EXpecially For You."

Maraming netizens ang nag-enjoy sa bardagulan nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at ng It's Showtime family. Isa sa mga kinaaliwan ng madlang Kapuso ang nakakatawang topic nila tungkol sa bangs.

Umpisa pa lang kasi ng programa, todo biro si Vice sa napansin nilang hairstyle ng kanilang pianist.

"Pero tanungin muna natin. Porma mo ba iyan o nag-motor ka papunta dito?" pabirong tanong ni Vice. "Baka habagat na rin nagdulot niyan. Sa lakas ng hangin."

Komento naman ng It's Showtime hosts na uso kasi ngayon ang ganyang style, nakasuot na sumbrero habang may bangs sa mukha.

Habang pinagtritripan nila ang sumbrero ng pianist, natawa ang lahat sa biglang banter ni Vhong.

"Alam mo [ba] dalawa iyan? Ayun oh! Hiniram ni Teddy 'yung isa," kwelang sinabi ni Vhong habang tinuro si Teddy Corpuz.

Game na game naman nilabas ng Filipino artist ang kaniyang bangs sa beanie hat at hinook pa ito kagaya ng sa pianist.

"Pero 'di naman si Teddy ang nagpauso niyan," biglang banat ni Vice.

Nang tanungin ng mga host kung sino, masayang sinagot ng comedian, " 'Yung nag-aano ng mga espiritu sa Kapuso Mo Jessica Soho."

Natawa ang madlang Kapuso dahil nahulaan nila kaagad na ang paranormal expert na si Ed Caluag ang sinasabi ni Vice. Pero mas dumagdag pa ang good vibes sa studio nang biglang kumuha si Teddy ng bottled water, flashcard, at salamin para gayahin ang iconic paranormal expert.

"Hanapin mo nga kung asan dito 'yung espiritu," biro ni Vice. "May nararamdaman ka bang espiritu ng mga bakla dito?"

Tawang-tawa naman sinagot ni Teddy habang lumalapit kay Vice, "Nandito 'yung espiritu. Malakas dito."

Maya-maya'y lumapit din ang host sa searchers upang hanapin daw ang multo sa paligid.

Balikan ang nakakatawang moment ni Teddy sa "EXpecially For You" sa video na ito:

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.