
Sa loob ng 16 taon sa telebisyon, marami na ang tumalon, sumigaw, at sumayaw kasama ang fun noontime program na It's Showtime!
Bilang pagdiriwang ng minamahal na programa, nagbahagi ng mga madamdaming mensahe ang mga host para sa kanilang pamilya at sa madlang people.
Isa na rito ang OG host at singer na si Teddy Corpuz!
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Teddy ang ilang throwback photos ng It's Showtime. Maraming fans ang natuwa sa mga larawang puno ng saya at samahan, mula sa unang batch ng hosts hanggang sa kasalukuyang malaking pamilya nito.
"Thank you Lord for 16 years of your goodness and faithfulness! Happy 16th year anniversary my Showtime family! I love you all" bati ni Teddy sa caption.
Agad namang binati ng fans ang longtime host at ang buong It's Showtime team. Ang co-host na si Ryan Bang ay masayang nag-heart react din sa naturang tribute.
Samantala, ibinahagi rin ng ibang host ang kanilang mga mensahe para sa anibersaryo ng programa.
“Ano ang Showtime e, parang 'yan wine. Habang tumagal 'yan, mas sumasarap. Tapos marami tayong natututunan at mas lalo pa nating pinagbubutihan. Alam n'yo kung bakit? Kasi patuloy tayo minamahal ng Madlang People,” ani Vhong Navarro.
Ibinahagi naman ni Vice Ganda na may nakatakda silang masaya at mas makabuluhang selebrasyon sa Disyembre bilang bahagi ng kanilang 16th anniversary."Inuusog lang po namin 'yung panahon lang para makapag-ipon-ipon kami," biro ng Unkabogable Star.
"Ide-delay lang po natin nang kaunti 'yung isang malaking selebrasyon pero hindi lalampas ang taon na ito nang wala tayong ipagdiriwang. Pagdating po ng Disyembre, meron kaming inilaan na isang malaking pagdiriwang na hindi lang ito kaaaliwan, hindi lang po for entertainment."
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang Thanksgiving mass at media conference ng It's Showtime 15th anniversary sa gallery na ito: