GMA Logo Teddy Corpuz
PHOTO COURTESY: Michael Paunlagui (GMANetwork.com)
What's on TV

Teddy Corpuz tells his birthday wish

By Dianne Mariano
Published December 4, 2025 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Teddy Corpuz


May meaningful birthday wish ang 'It's Showtime' host at Rocksteddy frontman na si Teddy Corpuz. Alamin dito.

Ipinagdiriwang ni Teddy Corpuz ang kanyang kaarawan sa It's Showtime ngayong Huwebes (December 4).

Sa December 4 episode ng noontime variety show, it's giving "ROCKpasikat" dahil iba't ibang rock bands at artists ang nagpamalas ng kanilang husay sa pag-awit kasama ang ilang It's Showtime hosts sa "MagPASKOsikat."

Kabilang sa mga nag-perform ay ang OPM rock band na Rocksteddy, kung saan ang host na si Teddy ang frontman.

Matapos ang pangmalakasang opening number ay ipinagdiwang ng It's Showtime family ang birthday ni Teddy.

Labis naman ang pasasalamat ng singer-host sa noontime variety show at ibinahagi rin niya ang kanyang wish.

"Thank you, Showtime sa lahat ng mga binibigay n'yo samin. In-allow n'yo kaming mag-prod nang ganito, maraming, maraming salamat. Ang wish ko lang is lumawak pa at lumayo pa nang malayong malayo ang OPM. Mag-strive pa ang OPM, lahat ng mga bagong banda, lahat ng mga bagong artist. Sana mas lumago pa ang OPM, mas lumayo pa ang OPM," pagbabahagi niya.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

RELATED GALLERY: The unkabogable 'MagPOPsikat' highlights in 'It's Showtime'