
Ilang beses na inilublob nina Tekla at Donita Nose si Donnalyn Bartolome sa batya ng tubig bilang bahagi ng kanilang vlog.
Naunang lumabas ang DonEkla in Tandem sa vlog ni Donnalyn Bartolome na naging controversial matapos ang pagrereklamo nina Tekla at Marco Gumabao sa ginawa nilang challenge.
Tila nagkainitan man, ipinakita ng tatlong vloggers na walang masamang tinapay sa pagitan nila.
At para sa Who's Who 2.0 nina Tekla at Donita, si Donnalyn naman ang naging special guest. Para sa challenge na ito, kailangang hulaan ng huli kung sino sa dalawang Kapuso stars ang tamang sagot sa mga itatanong sa kanya at ang maling sagot ay may katumbas na parusa.
Kapag tama ang sagot ni Donnalyn, ilulublob niya sa batya ng tubig ang ulo ng tamang sagot. Kung siya naman ay magkamali ay siya ang ilulublob sa tubig.
Tama kaya ang hula ni Donnalyn sa mga tanong tulad ng kung sino ang mas palautang kina Tekla at Donita, sino ang mas galante sa jowa, at sino ang mas unang nawala sa Wowowin? Ito rin ba ang naisip na paraan para makaganti ang DonEkla in Tandem sa kanya?
Panoorin ang kanilang nakakatuwang vlog sa video sa itaas.
Samantala, silipin sa gallery sa ibaba kung sino-sinong Pinoy celebrities ang sumubok na rin sa pagba-vlog: