
Nagbalik-tanaw sina Tekla at Donita Nose sa kanilang nakaraan sa pamamagitan ng pagkomento sa kanilang throwback photos.
Hindi napigilan ng dalawang Kapuso comedians ang kanilang mga halakhak at pang-aasar nang makita ang kanilang mga lumang litrato.
Kabilang sa kanilang binalikan ay ang kanilang graduation photos.
Una nilang ipinakita ang black and white picture ni Tekla na kuha mula sa kanyang high school graduation. Nakasulat dito, “I want to be a professional and successful recording artist someday.”
Pag-alala rin ni Tekla, “Dahil sa sobrang hirap, kasi working student lang ako eh, itong polong puti na 'yan, ukay lang 'yan. Tapos alam mo 'tong neck tie na 'yan, alam mo kung ano 'yan, 'yung parang ribbon, medyas 'yan. Medyas ko 'yan na itim, oo, ginawa kong [ribbon] tapos tinahi ko sa gitna.”
Samantala, kabilang din sa kanilang binalikan ang college graduation photo ni Donita.
Kuwento niya, “Working student kasi ako eh. Imagine-in mo ha, gumigising ako nang maaga, alas sais ng umaga kasi may klase ako, magtuturo ako kasi practicum na ako 'di ba? So magtuturo ako nang umaga hanggang alas dose ng tanghali. Ala una ng hapon, klase ko na hanggang alas siyete ng gabi 'yun. Klase ko naman 'yun, papasok ako.
"Pagdating ng alas nuwebe, uwi ako ng bahay, papasok naman ako sa trabaho. Make-up artist naman ako sa Makati Ave. Uuwi ako ng bahay, alas tres na ng madaling araw. So ang itutulog ko, 4 [a.m.], 5 [a.m.], two hours lang. Halos mag-iisang taon 'yun na ganun kaya habs na habs.”
Nagbigay din ng mga nakakatuwang komento at ilang madamdaming kuwento ang dalawang komediyante tungkol sa tila pagdadalaga ni Donita, ang unang birthday ng anak ni Tekla na si Airah, at ilan pang mga kuha mula noong nagsimula na silang magtrabaho bilang stand-up comedians at sumabak sa showbiz.
Hindi man kagandahan ang karamihan sa kanilang litrato ay espesyal daw ang mga ito.
Ani Donita Nose, “Alam mo 'yung mga pinagdaanan natin, 'yung mga picture na 'yun, naging part na ng mga buhay natin 'yan so may mark na siya sa atin.”
Pag-sang-ayon ni Tekla, “Tama, 'tsaka hindi mo puwedeng ikahiya, hindi mo puwedeng itago or i-deny dahil hindi ka makakarating kung saan ka kung hindi mo napagdaanan 'yan. Lahat 'yan ay may istorya, may hugot, may kurot.”
Dagdag din ni Donita, “At higit sa lahat, may lesson na ibinibigay sa buhay mo.”
Panoorin ang kanilang vlog dito:
Samantala, magbalik-tanaw din sa graduation photos ng inyong mga paboritong artista sa gallery sa ibaba:
Keywords: