
Puno ng sorpresa ang The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, January 12 dahil birthday celebration ni Tekla!
Isang komedyante at matalik na kaibigan ang muling makakasama ni Tekla sa kulitan at pagpapatawa dahil susurpresahin siya nito sa set ng TBATS. Talagang riot ang mapapanood sa pagsagot niya ng controversial questions sa 'Truth or Charot!'
Magugulat din ang ating birthday celebrator nang dahil ng kanyang Azerbaijan suitor na si Marsin ang mga magulang nito para personal na imbitahin si Tekla.
Hindi pa rito matatapos ang mga sorpresa dahil makakatanggap din si Tekla ng isang special birthday message mula sa kanyang ama.
Sa parehong episode, mapapanood din si Lovely Abella bilang kakuntsaba nina Boobay at Tekla sa 'Pranking in Tandem' segment. Kikilabutan din ang manonood sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody tungkol sa isang white lady.
Isang dance showdown din ang mapapanood sa pagitan ng ating fun-tastic duo at ang viral Black Pink wannabe na si Jhunerey Lepiten.
Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, January 12, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!