
Tampok ang komedyanteng si Tekla sa isang makulay na episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.
Bibigyang buhay niya ang kuwento ni Dodoy, isang bottled water vendor sa Cebu na nag-viral dahil sa pagsayaw at makukulay niyang damit habang naglalako ng kanyang mga paninda.
"Mga Kapuso, this is Super Tekla. Of course, inaanyayahan ko po kayo! Samahan n'yo po ako sa Queen City of the South kung saan matatagpuan ang tinatawag na 'the tubig queen ng Cebu,'" pahayag ni Tekla.
Inilarawan din niya si Dodoy, ang taong gaganapan niya.
"Bibigyang-buhay ko po ang kanyang kuwento--isang masiyahin at masipag na anak na tutulungan ang kanyang pamilya sa pagiging viral star. Ngayong Sabado na po 'yan sa Magpakailanman," aniya.
Bahagi din ng episode sina Nanette Inventor, Kenneth Medrano at Stephanie Sol.
Abangan ang kuwento ni Dodoy sa episode na pinamagatang "Reyna Ng Tubig: The Jay Kummer 'Dodoy' Teberio Story" ngayong Sabado, May 15, 8:00 pm sa '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: