
Puno ng pasasalamat si Tekla ngayong ipinagdiriwang niya ang ika-limang buwan ng kanyang anak na si baby Angelo.
Kasabay ng balita ni Tekla na nabiyayaan siya ng lalaking anak ay ang nakakalungkot na balitang ipinanganak si baby Angelo na walang butas ang puwit. Sa napakamurang edad ay kinailangang dumaan ng anak ng TBATS host sa ilang operasyon.
Nitong nakaraang linggo ay isinugod muli sa ospital si Baby Angelo ngunit unti-unting bumubuti na ang kanyang kalagayan.
Ngayong araw, nag-uumapaw ang pasasalamat ni Tekla dahil mas umaayos na ang kalusugan ng kanyang anak kung kailan sumapit ang kanyang ika-limang buwan.
Bahagi ng komedyante sa kanyang Facebook page, “Happy 5th month bday anak. Ama, salamat sa iyong protection kay Angelo. Be strong anak. Finally you're safe now. Daddy [is] always here for you, anak.Thank you so much PCMC! At sa lahat ng doctors mga nurses at medical frontliners na nag-aalaga sa Angel ko. God bless you po at maraming salamat sa mga prayers ninyo for my little boy. He's okay and safe now. Ililipat na po siya sa NBS ward para maka-recover siya ng husto.”