GMA Logo Super Tekla
What's on TV

Tekla, todo kilig sa kanyang manliligaw mula Azerbaijan

By Cherry Sun
Published June 25, 2019 10:41 AM PHT
Updated May 19, 2020 12:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: March 10, 2026
Pila ka Shipping Companies sa Cebu, Nagpatuman og usbaw sa Plete | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Super Tekla


Panoorin ang naging reaksyon ni Tekla nang bisitahin ng kanyang manliligaw mula Azerbaijan sa 'The Boobay and Tekla Show.'

Todo ang kilig na may halo pang luha ang reaksyon ni Tekla nang muli siyang bisitahin ni Marsin Dimitrov, ang kanyang manliligaw mula Azerbaijan sa May 17 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Halos speechless si Tekla nang makita si Marsin na may dalang bulaklak at chocolates para sa kanya sa 'Dear Boobay and Tekla' segment ng kanilang programa.

Ani Marsin, “Actually I always think about you. So hopefully you consider me as a close friend or something more.”

Kung lovestruck ang peg ni Tekla, nakaka-starstruck naman ang 'Pranking in Tandem' segment dahil nag-team up sina Michael V at Dawn Zulueta sa panggu-good time sa isang babae. Nagpanggap si Dawn na mayroon siyang make-up tutorial ngunit ang totoo, si Bitoy ang nagbibigay sa kanya ng nakakatuwang instructions. Magandahan kaya ang biktima kapag makita niya ang make-over niya?

Nasubaybayan naman ang kuwento ng pangit na mag-asawang sina Budang at Mulong sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody ng TBATS. Ano naman kaya ang papel nina Bitoy at Dawn dito?

Sa 'TBATS on the Street, sinubok ng fun-tastic duo ang kaalaman ng mga tao sa kalsada sa mga salitang beki.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho!