GMA Logo Tekla
What's Hot

Tekla, wagi bilang Best Standup Comedian sa 37th Aliw Awards

By Dianne Mariano
Published December 19, 2024 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Tekla


Nagwagi ang Kapuso host at comedian na si Tekla sa 37th Aliw Awards. Congratulations!

Isa si Tekla sa mga kilala at magagaling na komedyante sa Philippine showbiz.

Patunay rito ang parangal na natanggap ng Kapuso host mula sa 37th Aliw Awards, kung saan siya ay kinilala bilang Best Standup Comedian.

Bukod kay Tekla, iba't ibang Kapuso stars din ang nagwagi sa nasabing event. Kabilang na rito ang Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose na pinarangalan bilang Entertainer of the Year at Best Collaboration in a Concert, kung saan kasama niya ang SB19 member na si Stell.

Kinilala rin si Gian Magdangal kasama si Lara Maigue bilang Best Group/Ensemble Performance in a Concert.

Samantala, kinilala ang panganay nina Kapuso Primetime royalties Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia bilang Breakthrough Child Performer of the Year.

Subaybayan si Tekla sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.