GMA Logo
What's on TV

Teleserye superstar Kristine Hermosa, guest sa "Daddy's Gurl" | Teaser Ep.68

By Aedrianne Acar
Published February 1, 2020 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Terror boss ni Stacy (Maine Mendoza) na si Lance (Oyo Sotto), may jowa na? Abangan ang soap opera superstar na si Kristine Hermosa this Saturday (February 1) night sa 'Daddy's Gurl.'

May big revelation si Sir Lance (Oyo Sotto) sa unang Sabado sa buwang ng mga puso.

Aba itong “terror” boss ni Stacy (Maine Mendoza) may girlfriend na! Mapapansin tuloy ng Team Office ang malaking pinagbago ni Lance, dahil naging mabait ito sa pakikitungo sa kanila.

Daddy's Gurl: The Otogan family

WATCH: Angelika Dela Cruz films the behind-the-scenes kulitan of her 'Daddy's Gurl' family

Pero 'tila duda si Stacy sa jowa ni Lance na si Ina. Tama kaya ang kutob ng anak ni Barak (Vic Sotto) sa pretty GF ng boss niya?

May makikilala din online si Matilda (Wally Bayola) na bet niyang i-meet in person. Pagkakataon na ba ito para makahanap niya ang the one o mapahamak siya tulad ng babala ni Aling Oprah (Angelika dela Cruz)?

Special ang episode ng paboritong sitcom ng bayan na Daddy's Gurl this week, dahil guest ngayong Sabado ang magaling na teleserye actress na si Kristine Hermosa!

Makipagkulitan kasama sina Barak at Stacy this coming February 1 pagkatapos ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento at bago ang #MPK.