
Nitong Martes, December 10, game na nakipag-chikahan ang beteranang aktres na si Teresa Loyzaga kina Mikee Quintos at celebrity chef Kuya Dudut sa kanyang latest appearance sa GTV cooking talkshow na Lutong Bahay.
Isa sa mga game na ibinahagi ng aktres ay ang mental health journey ng kanyang anak na si Diego Loyzaga at ang kanyang dahilan para dalhin ito sa rehab.
Ayon sa aktres, hindi naging madali ang desisyon na ipasok si Diego sa rehab.
“It was a difficult decision; I don't mean to sound very spiritual and very religious, but, wow, the struggle I went through in prayer because I needed that strength. The decision was not mine anymore,” kuwento ni Teresa kay Mikee.
Dagdag nito, “When you decide life or death, my children or not, you pray. You pray hard, and then that's where you will get 'yung lakas ng loob kasi ang hirap kaya magdesisyon pag ganoon 'yung sitwasyon.”
Sa kabila ng pagiging supportive ni Teresa, aminado ito na nagkaroon siya ng pagkukulang habang kinakaharap ni Diego ang kanyang mental health issues.
Pag-amin ng aktres, “There were parts when I was not there, may pagkukulang ako. I can admit that. Pero gusto kong sabihin na I tried. I tried so hard.”
Matatandaang sumailalim sa rehab si Diego Loyzaga nitong nagdaang taon dulot ng depresyon.
Ibinahagi niya ito sa kanyang appearance sa Fast Talk with Boy Abunda noong February.
Aniya, “Para lang ma-explain 'yung pangyayari or nangyari sa nakaraan, sa past ko kung bakit ako umabot sa rehab. I was very, very depressed. I was on the brink of suicidal, and I will not deny that substances had a part to play with my mental state. They don't help, e. Hindi siya nakakatulong.”