
Nagbigay ng exclusive na house tour ang kilalang komedyante na si Teri Onor sa Sarap, 'Di Ba?
Sa episode nitong February 22, ipinakita ni Teri kung ano ang matatagpuan sa kanyang 95-square-meter three-bedroom unit.
Isa sa kanyang ibinahagi ang metal mask na mula kay Direk Louie Ignacio. Ito ay nagmula pa umano sa Venice.
Dahil nakatira sa isang condominium si Teri, nagbigay siya ng mga payo para sa pamimili ng mga furniture at appliances.
Ani Teri, importante na sukatin ang area ng bahay, kunin ang correct size ng mga item na ilalagay, at i-maximize ang space.
Isa pa sa kanyang payo ang paglalagay ng kulay sa paligid ng makakapagpagaan ng pakiramdam.
Hindi lang 'yan, may recipe pa na inihanda si Teri sa mga Happy Nanay.
Abangan ang iba pang masasayang kuwentong hatid ng Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado sa ganap na 10:45 ng umaga.