
Bago maging isang stand-up comedian, nagsimula sa pagiging isang theater actor si Teri Onor noong 1995.
Sa ngayon, 27 years nang nagbibigay-saya ang komedyante, na nakilala sa pag-iimpersonate kay Superstar Nora Aunor.
Nabigyan ng malaking break sa telebisyon ang komedyante nang maging bahagi noon ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.
Noong January 12, sumalang si Teri sa hulaan ng mga salita sa "Pinoy Henyo" segment ng Eat Bulaga ka-tandem ang kaibigang si Bluh.
Pero bago pa man magsimula ang laro, sinagot ni Teri ang tanong ni Jose Manalo kung may plano na nga ba siyang magretiro sa 27 years na pagiging isang stand-up comedian.
Mabilis at natatawang sagot ni Teri, "Wala pa!"
Matapos ang pakikipagtawanan at kuwentuhan sa Dabarkads, si Teri ang natoka na hulaan ang salitang "Toyo," na agad naman niyang nahulaan sa loob lamang ng 15 segundo.
Dahil dito, ang team nina Teri at Bluh ang naglaro sa jackpot round ng "Pinoy Henyo" kung saan mayroon silang tatlong minuto para sa back-to-back na hulaan. Hindi nabigo sina Teri at Bluh at naiuwi ang jackpot prize na PhP50,000 para sa tatlong salitang kanilang nahulaan.
KILALANIN ANG IBA PANG FILIPINO COMEDIANS SA GALLERY NA ITO: