What's on TV

Tetay, gaganap bilang teacher sa likod ng 'Walang ganun, Mars' viral videos sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published March 10, 2022 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

F1: Norris feels he's doing a better job than last year
4 nabbed; alleged gold ore, P9M equipment seized in Surigao City
Grill, Fry, and Impress: The kitchen upgrade every home cook needs

Article Inside Page


Showbiz News

Tetay on MPK


Bibigyang-buhay ni Tetay ang kuwento ni Richo Bautista, ang teacher na sumikat dahil sa kanyang viral videos sa fresh at brand new episode ng '#MPK.'

Ang komedyanteng si Tetay ang bibida sa upcoming fresh at brand new episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Bibigyang-buhay niya ang kuwento ni Richo Bautista, ang guro sa likod ng viral online persona na si Aling Nena na nagpasikat ng catchphrase na "Walang ganun, Mars."

Tetay

Sa likod ng kanyang kinagigiliwang videos, maraming pinagdaanang pagsubok si Richo.

Nangungulila siya sa aruga ng ina na isang overseas Filipino worker o OFW.

Kaya naman nang naging ganap na guro na si Richo at nagagawa nang kumita, pinauwi na niya ang ina sa Pilipinas.

Pero imbes na matamis na reunion, dito naglabasan ang hinanakit nila sa isa't isa.

Abangan ang pagganap ni Tetay bilang Richo sa fresh at brand new episode na "Walang Ganun, Mars! The Richo Bautista Story," March 12, 8:00 p.m. sa #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: