
Ang dating beauty queen at Playboy model na si Tetchie Agbayani, gaganap bilang ang scary nanny na si Manang Saleng sa kuwentuwaan sa Dear Uge Presents ngayong Linggo, May 2.
Buntis sa kanyang ikatlong anak si Diana (Angelu de Leon) at inaalagaan din niya ang kanyang mga anak na sina Tom at Jenny. Kaya naman, nang dumating ang misteryosong si Manang Saleng para maging kasambahay niya, walang pag-aatubiling tinanggap agad siya ni Diana.
Dahil sa imagination ng dalawang bata, makukumbinsi nila ang kanilang nanay na masama at may pagkabruha si Manang Saleng. Imbes na mapagaan ang mga iniisip, nadagdagan pa ang mga prinoproblema ni Diana. Dahil sa takot, hahanap siya ng paraan para mapaalis sa kanilang pamamahay ang kanilang kasambahay.
Mapalayas nga kaya niya ang scary nanny sa tahanan nila? Alamin 'yan sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge Presents ngayong Linggo, May 2.