What's on TV

Tetchie Agbayani, ipinaliwanag kung bakit wala siyang showbiz barkada

By Michelle Caligan
Published March 14, 2018 6:20 PM PHT
Updated March 14, 2018 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Catholics called to follow Joseph’s faith amid hardships on 3rd anticipated Simbang Gabi
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Kumpara sa iba niyang kasabayan sa showbiz na may close group of friends, mas pinili ni Tetchie Agbayani na magkaroon ng barkada sa labas ng industriya. Kung bakit, alamin sa istorya na ito.

Kumpara sa iba niyang kasabayan sa showbiz na may close group of friends, mas pinili ni Tetchie Agbayani na magkaroon ng barkada sa labas ng industriya.

READ: What Tetchie Agbayani thinks of her men's magazine cover after 36 years

Pero paglilinaw ng aktres, na malapit nang mapanood sa Afternoon Prime series na Contessa, kaibigan naman daw niya ang lahat na kanyang nakakatrabaho.

"Lahat sila kaibigan ko. Pero hindi ako nakikipagbarkada sa kapwa artista ko. Hindi ako kagaya ng grupo ni Amy [Austria], LT [Lorna Tolentino], Sandy [Andolong], hindi po," kuwento ni Tetchie sa ginanap na press conference para sa Contessa.

Dagdag pa niya, "Pagkatapos magtrabaho, may iba akong mundo (laughs). Ayoko nung lahat na lang showbiz. Gusto ko 'yung pupunta ako sa trabaho, acting ako, chichika sa mga artista. Siniguro ko na I go to work, I get along with everyone, but after work, I go home and I have a normal life outside showbiz. I have other sets of friends."

May nangyari raw noong nag-uumpisa pa lamang siya na tila tumatak sa aktres.

"Kauumpisa ko pa lang, pinaramdam na agad sa akin na hindi ako welcome. So ako naman, hindi ko ipipilit ang sarili ko so naging patakaran ko na when I'm working, I get along with everybody, we're friends, pero kapag sumigaw ng 'pack up', uwi ako, may iba akong barkadang tinatambayan."

 

 

Abangan si Tetchie Agbayani bilang Guada sa Contessa, ngayong March 19 na pagkatapos ng Eat Bulaga.