
Ang 1990s youth-oriented GMA series na T.G.I.S. (Thank God It's Sabado) ay may exciting mini reunion sa Family Feud!
Sa August 15, magsasama-samang muli ang ilan sa cast members ng isa sa most iconic youth-oriented shows in Philippine television history.
August 12, 1995 unang napanood ang T.G.I.S. sa telebisyon kaya ang kanilang episode sa Family Feud sa August 15 ay malapit sa kanilang 30th anniversary.
Mapapanood sa episode na ito sina Michael Flores, Ciara Sotto, Bernadette Allyson, Maybelyn Dela Cruz, Polo Ravales, Maui Taylor, Chico Ventosa, at Kim De Los Santos.
Si Kim naman na naninirahan na ngayon sa Amerika ay masaya na naging bahagi siya ng Family Feud sa kaniyang muling pagbabalik sa Pilipinas. Sa kaniyang Instagram post, ipinasilip ni Kim ang guesting at mga behind the scenes photos nila ng T.G.I.S. barkada. Saad niya, "Felt good"
Makakasama rin nila sa episode na ito ang pamilya ng late actor na si Red Sternberg na isa sa original cast members ng T.G.I.S. Ang asawa ni Red na si Sandy at kanilang mga anak ay magiging bahagi ng pag-alala sa aktor bilang bahagi ng T.G.I.S. family.
Abangan ang T.G.I.S. reunion sa Family Feud sa August 15!
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA LARAWAN AT KUWENTO NG CAST NG T.G.I.S. BARKADA: