
Muling magsasama-sama ang cast ng iconic youth-oriented series na TGIS.
Reunited sila sa Netflix Original na Paskong Pinoy na mula sa direktor na si Mark Reyes, na siya ring direktor nila sa TGIS.
Bibida sina Bobby Andrews, Angelu de Leon, Polo Ravales, Rica Peralejo, Ciara Sotto, Michael Flores, at Bernadette Allyson sa episode na pinamagatang "The Last New Year in Boracay."
Related gallery: 'T.G.I.S.' cast, nag-reunion upang ipagdiwang ang kanilang 29th anniversary
Magtatambal naman sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Kapamilya leading man Enchong Dee sa episode na pinamagatang "The Perfect Christmas."
Iikot ang kuwento nito sa isang workaholic na susubukang baguhin ang mga ideya niya tungkol sa success at love habang holiday rush.
Ang Paskong Pinoy ay isang four-episode anthology series na mapapanood sa Netflix simula December 3.
Isa lang ito sa limang originals ng Netflix Philippines para sa 2026.
Mapapanood din sa streaming giant ngayong taon ang dystopian action series na BuyBust: The Undesirables starring Anne Curtis; young adult romance na 18th Rose nina Xyriel Manabat at Kyle Echarri; family drama na Ganito, Ganyan, Ganoon, na pagbibidahan ni Jodi Sta. Maria; at atmospheric horror-mystery series na Balaraw kasama sina Janine Gutierrez, Agot Isidro, at Charlie Dizon.