
Muling mapapanood ang minahal na Thai actor na si Prin Suparat, o mas kilala sa pangalang Mark Prin, sa Philippine television matapos ipalabas ang 2020 series niyang My Husband In Law ngayong taon.
Ito ang inanunsyo ng GMA ngayong Biyernes, June 24, sa official Facebook page ng istasyon.
"Mark Prin, nakaka-miss ka rin! Kaya, we're bringing him back this July," sulat sa art card na ipinost ng network na may larawan ni Mark Prin.
Wala pang detalye kung anong programa ni Mark Prin ang ipalalabas sa Kapuso channel ngayong Hulyo pero labis na ang excitement ng ilang Pinoy fans ng Thai actor.
Kung anong programa ito, manatiling tumutok sa GMA-7 at bumisita sa GMANetwork.com para sa iba pang updates.
Pero bago iyan, tingnan ang ilang larawan ni Mark Prin na nagpakilig online: