GMA Logo Boss Chakaimon
PHOTO COURTESY: @boss.ckm (Instagram)
What's on TV

Thai actor-singer Boss Chaikamon visits on 'It's Showtime'; announces new song

By Dianne Mariano
Published September 3, 2026 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EXPLAINER: What's happened to al Qaeda in the 25 years since 9/11?
Babae, Patay Human Mabangga ang Gisakyang Motor sa Sidecar sa Mixer Truck | Balitang Bisdak
Authentic Japanese food, MAY PINOY TWIST! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

Boss Chakaimon


Nagbigay ng sample ang Thai actor-singer na si Boss Chaikamon ng kanyang bagong song sa 'It's Showtime.'

Naghatid ng saya ang Thai star na si Boss Chaikamon nang bumisita siya sa It's Showtime ngayong Huwebes (September 3).

Nakatanggap ng warm welcome ang actor-singer mula sa hosts at game na game rin niyang binati ang audience gamit ang iconic greeting na "What's Up, Madlang People!"

"I'm Boss CKM, I'm from Thailand, and I'm so honored to be here with you guys. I'm glad to be here!" ani ni Boss CKM.

May hatid din siyang magandang balita sa kanyang fans dahil mayroon siyang new song na pinamagatang "Too Busy," na lalabas sa darating na September 9. Kasabay nito ay ang paglabas din ng kanyang music video.

Bukod dito, nagbigay din ng sample si Boss CKM ng kanyang bagong kanta para sa Madlang People.

Noong February 2024, naghatid ng kilig at saya si Boss Chaikamon sa Pinoy fans sa naganap na "LUVCON 2024" concert, kung saan kasama niya ang iba't ibang Thai stars.

READ: #GMAHOACCESS: Boss Chaikamon mesmerizes Manila crowd at 'LUVCON 2024'

Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

RELATED GALLERY: Thai stars who appeared in 'Heart of Asia'