
Iba't ibang emosyon ang mararamdaman sa Thai drama series na Good Old Days na mapapanood sa GTV simula August 30.
Ang nasabing serye ay binubuo ng stellar cast na sina Bright Vachirawit, Win Metawin, Lee Thanat, Fah Yingwaree, Tay Tawan, Toy Pathompong, Aye Sarunchan, Joss Way-ar, Kay Lertsittichai, Namtan Tipnaree, Thanaerng Kanyawee, Pat Chayanit, Krist Perawat, at Prim Chanikarn.
Ang Good Old Days ay tungkol sa isang kakaibang antique store kung saan ang bawat bagay ay mayroong sariling kuwento at ang halaga nito ay sinusukat base sa lalim ng mga damdamin at sentimyento na kaugnay nito.
Maaaring balikan ng taong magbebenta ng kanyang gamit kung gaano ito naging importante sa kanyang buhay.
Abangan ang premiere ng Good Old Days simula August 30 , 11:30 a.m., sa GTV.