GMA Logo Romantic Deception on GMA
What's Hot

Thai drama na 'Romantic Deception,' mapapanood na sa GMA ngayong Enero

By Faye Almazan
Published December 27, 2023 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel escapes NLEX, advances to Philippine Cup semis
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 25, 2025 | Balitang Bisdak
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Romantic Deception on GMA


Isang intense at kaabang-abang na lakorn ang muling handog ng GMA ngayong 2024.

Isang bagong Thai drama ang dapat abangan sa pagpasok ng bagong taon sa pagdating ng Romantic Deception sa GMA ngayong Enero 8.

Kilalanin at alamin ang komplikadong mga buhay nina Roy (Puen Khanin Chobpradit), Patty (Chippy Sirin Preediyanon), at Korina (Kat Trinnaya Morson) sa upcoming lakorn.

Ang kuwento ng Romantic Deception ay iikot kay Roy na labis na nasaktan nang malaman niyang nagkaroon ng relasyon ang kanyang girlfriend na si Korina at ang kanyang amang si Gerard.

Lumala pa ang galit ni Roy sa dalaga nang maging primary suspect ito sa biglaang pagkamatay ng kanyang ama at nagpakalayo kasama ang ibang lalaki.

Nabuntong ang galit ni Roy sa kapatid ni Korina na si Patty na matagal nang may lihim na pagtingin kay Roy.

Nang dahil naman sa last will and testament ni Gerard ay kailangang ikasal nina Roy at Patty sa isa't isa upang makuha ni Roy ang kanyang mana.

Paano mamumuhay sina Patty at Roy sa piling ng isa't isa? Sino nga ba ang pumatay kay Gerard?

Panoorin ang Romantic Deception simula Enero 8, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 ng hapon sa GMA.