GMA Logo My Husband in Law
What's on TV

Thai drama series na 'My Husband in Law,' malapit nang ipalabas sa GTV

By EJ Chua
Published November 15, 2023 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 17, 2026
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

My Husband in Law


Abangan ang Thai drama series na 'My Husband in Law sa GTV!

Ngayong November 2023, mapapanood sa GTV ang isang romantic comedy Thai drama series.

Ito ang seryeng My Husband in Law na tiyak na magdadala ng kilig sa puso ng mga manonood.

Tampok sa serye ang Thai stars na sina Mew Nittha Jirayungyurn at Prin Suparat o mas kilala bilang si Mark Prin.

Ang istorya ng My Husband in Law ay iikot sa dalawang taong ayaw sa isa't isa ngunit kalaunan ay magkakasundo upang takasan ang isang komplikadong sitwasyon.

Ano kaya ang mangyayari sa dalawang taong sabay na kakagat sa isang pagkukunwari?

Posible bang ma-in love ang dalawang indibidwal na halos ituring nang kaaway ang isa't isa?

Abangan ang napakaraming kilig at war scenes sa serye.

Huwag palampasin ang napakagandang istorya ng My Husband in Law, ang bagong handog ng GTV.