GMA Logo The Sweetest Taboo
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's Hot

Thai drama series na 'The Sweetest Taboo,' mapapanood na sa GMA ngayong Marso

By Dianne Mariano
Published March 9, 2026 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP gears up for March 11 protests marking 1st year of Duterte's arrest 
Transport group files P5 fare hike petition amid rising fuel prices
Crate & Barrel to close Megamall branch, moving to nearby mall

Article Inside Page


Showbiz News

The Sweetest Taboo


Abangan ang Thai drama series na 'The Sweetest Taboo' simula March 16 sa GMA.

Isang unique love story ang bagong handog ng GMA The Heart of Asia ngayong Marso dahil mapapanood na ang Thai drama series na The Sweetest Taboo.

Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Mikey Panitan Budkaew bilang Kyler, Marsha Vadhanapanich bilang Kate, Dom Haetrakul bilang Radley, at Matt Peeranee Kongthai bilang Jacqueline.

Ang kuwento ng The Sweetest Taboo ay tungkol sa successful na live seller at negosyanteng si Jacqueline, ngunit nahihirapan pagdating sa kanyang personal na buhay dahil hinahayaan niyang mangibabaw ang damdamin sa kanyang mga desisyon.

Magkakaroon ng hidwaan sa pagitan nina Jacqueline at Kate dahil minsan ng nagkaroon ng ugnayan ang una at si Radley. Dahil dito, mapapalapit si Jacqueline sa anak nina Radley at Kate na si Kyler.

Susundin pa rin kaya ni Jacqueline ang kanyang puso o pipiliin niyang talikuran ang pag-ibig na mali sa paningin ng marami?

Huwag palampasin ang premiere ng The Sweetest Taboo simula March 16, 5:10 p.m., sa GMA.