
Handa na ba kayong muling magalit at kiligin?
Samahan muli sina Trinity (Nychaa Nuttanicha Dungwattanawanich), Nikolai (Pon Nawasch Phupantachsee), Mabelle (Noi Butsakorn Wongpuapan), Dahlia (Ice Athichanan Srisevok) sa kanilang mga intense na tapatan sa Thai drama na Wicked-in-Law.
Magsisimula ang kaabang-abang na family drama nang maghangad si Trinity ng paghihiganti para sa kaniyang kapatid na si Dahlia, na pumanaw matapos pakasalan si Nikolai.
Natuklasan niya na sina Mabelle, biyenan ni Nikolai, at ang hipag nitong si Nicole, ang siyang nang-api sa kaniyang kapatid.
Para sa mas kapana-panabik na mga plot twist, papakasalan ni Trinity si Nikolai upang mabunyag ang tunay na pagkatao ni Mabelle.
Mananatili nga bang mabuting asawa si Nikolai kay Dahlia o mas pipiliin niyang maging mabuting anak kay Mabelle? Ano ang kailangang gawin ni Trinity upang maisiwalat ang mga lihim at kasamaan nina Mabelle at Nicole?
Alamin ang buong istorya ng kanilang bangayan at mga sikreto sa Wicked-In-Law, simula September 8, Lunes hanggang Sabado, 11:30 p.m. sa GMA.
Samantala, kilalanin ang cast ng Thai drama na Wicked-in-Law rito: