
Muling magpapakilig sa Philippine television ang global heartthrob na si Bright Vachirawit Chivaaree sa kanyang pagbabalik sa GMA Heart of Asia ngayong Pebrero para sa newest series na Astrophile.
Matapos ang kanyang mga tumatak na pagganap sa In Time With You, Wicked Angel, at ang madamdaming Good Old Days, handa na muling masungkit ni Bright ang puso ng mga manonood sa isang panibagong role na tiyak na aabangan ng kanyang mga Filipino fans at supporters.
Gagampanan ni Bright ang karakter ni Kenneth, ang junior ni Natalie (Mai Davika Hoorne) noong sila ay nasa university pa. Minsan nang nagkasama ang dalawa sa isang espesyal at intimate night under the stars na nag-iwan ng marka sa kanilang mga puso.
Makalipas ang ilang taon, muling magku-krus ang kanilang landas. Ito na nga ba ang pagkakataon upang maibalik ang naudlot na bond sa isa't isa, o mananatili na lamang ba itong alaala sa ilalim ng mga bituin?
Abangan si Bright Vachirawit Chivaaree bilang Kenneth sa pinakabagong Thai romantic-drama series sa GMA Heart of Asia, ang Astrophile.
Magsisimula na ngayong February 02, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA!
Related Gallery: Bright Vachirawit's Handsome Photos