GMA Logo the gifted
What's Hot

Thai hit drama 'The Gifted: Graduation,' mapapanood na sa Heart of Asia

By Beatrice Pinlac
Published December 7, 2021 8:27 PM PHT
Updated December 12, 2021 10:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos says assets of firms, 2 solons linked to flood control mess now frozen
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

the gifted


Paparating na sa GMA ang pinagkakaguluhang award-winning Thai series na 'The Gifted: Graduation!'

Magbabalik na sa Heart of Asia ang pinakaastig na tropang minahal ninyo sa science fantasy series na The Gifted.

Samahan sila at mas kilalanin pa ang kanilang mga special powers kasama ang bagong henerasyon ng “Gifted Class” na tiyak na dapat niyong abangan.

Itutuloy sa The Gifted: Graduation ang kuwento ng grupo makalipas ang dalawang taon.

Makikilala ninyo na si Time (Nattawat Finkler), ang isang 10th grade student sa Ritdha High School na nais makabilang sa “Gifted Program.” Matapos malaman na nabuwag na ang grupo, gagawa siya ng paraan para maibalik ang programang ito.

Muli silang magsasanib puwersa para kalabanin ang direktor ng school at tuluyan nang mapabagsak ang kaniyang mapaniil na sistema.

Pero magtatagumpay kaya sila?

A post shared by Patrick 尹浩宇 (@into1__patrick)

Bukod sa tagisan ng kani-kanilang mga special abilities, may uusbong din na mga kaabang-abang na alitan at pag-iibigan sa pagitan ng magkakabarkada.

Ngayong Disyembre, huwag palampasin ang pagkakataon na mapanood ang The Gifted: Graduation dito lamang sa GMA Heart of Asia.